These are but vain attempts to express, by one who wears her heart on her sleeve. Words, much like love, can be ever elusive... ever frustrating... like trying to paint a million stories on a single canvass. If you will read, please do not ask. Just feel. Or at least try to. The meaning is, whatever you have felt to be there, or the lack thereof :)

Sa EDSA.



Kung ang pupuntahan mo’y daraanan ang EDSA
Huwag kang sasakay sa de-aircon na bus
Dahil bukod sa holdapan at masangsang na sari-saring amoy ‘pag rush hour
Ay kakikitiran ka rin ng paningin.
Itatago ng mga frosted na bintana at saradong kurtina
Ang tanawin at buhay na s’yang kaluluwa ng EDSA.

Kung ang papupuntahan mo’y daraanan ang EDSA
Magmasid-masid ka.
Makinig at makiramdam ‘di lamang sa mama o aleng katabi mo na mandurukot pala
Kun’di sa kalakaran ng mga nilalang na pumaparoo’t-parito sa kaligiran ng EDSA.

Kung ang papupuntahan mo’y daraanan ang EDSA
Pansinin mo at paghambing-hambingin
Ang pagkakapareho’t pagkakaiba-iba
Ng mga tao at kabuhayang kinakatawan ng bawat loading at unloading points –
Ang magulong masa ng Rotonda,
Mga de-klaseng tao ng Ortigas at Ayala,
Estudyante’t blue-collar workers ng Boni, Quezon Av at Buendia
Guadalupe, Cubao, Mantrade
Kamuning, Annapolis at Estrella
Samu’t –saring kuwento ng bayan mula Taft hanggang SM North.
Mga kasaysayang umiikot sa kahabaan ng EDSA.

Kung ang pupuntahan mo’y daraanan ang EDSA
Mag-isip ka.
Ano ang ipinahihiwatig ng mga eksenang nakkita mo
At ano ang papel mo sa lahat ng ito
Hanapin mo ang aral sa bawat tagpo ng buhay na matatanawan mo
Sa kahabaan ng makasaysayang lansangang kung tawagin
Ay EDSA.



16th November 2001

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...