These are but vain attempts to express, by one who wears her heart on her sleeve. Words, much like love, can be ever elusive... ever frustrating... like trying to paint a million stories on a single canvass. If you will read, please do not ask. Just feel. Or at least try to. The meaning is, whatever you have felt to be there, or the lack thereof :)

Tempus Fugit



Naririto ka ngayon at namamalas mo
Ang iyong sarili na napapagitnaan
Ng samu’t-saring mga bagay
Sa mundong kasalukuyan mong ginagalawan

Sa wari mo’y palagi nang ganyan
Iisa lang ang takbo, ang inog nito
Saanmang anggulo mo ito sipatin
Paikot pa rin ang direksyon, ika mo.

Paikot. Hindi nagbabago.
Katulad ng buhay na iyo nang nakagawian
Kaya naman kay raming detalyeng di mo na pinapansin
At mga taong iniiisip mong mananatiling nariyan.

Oo nga naman, sapagkat tuloy ang ikot ng mundo
Kaya’t maano ba’ng lumipas ang panahon
Anu’t ano nama’y laging may bagong umaga
At lagi ring may bagong pagkakataon.

Kaibigan, maliwanag na ang diwa mo’y himbing pa
Hinggil sa mga bagay na nakasanayan mo na
Maaari bang imulat mo na’ng mga mata
At malasin mo ang mga ito ng may bagong pang-unawa?

Alalahanin mong sa bawat ikot ng mundo
Ay maglalaho ang bawat ngayon
At kasabay ng pagbabgo, ang mga dating nariyan lang
Ay nagiging bahagi na ng itinuturin’ mong noon.

Kaibigan, tumatakbo ang orasan
Kailan ka pa kikilos at magpapahalaga?
Huwag mong hintaying ika’y magising na lang
Na walang tangan at nag-iisa.

21st June 2000

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...