These are but vain attempts to express, by one who wears her heart on her sleeve. Words, much like love, can be ever elusive... ever frustrating... like trying to paint a million stories on a single canvass. If you will read, please do not ask. Just feel. Or at least try to. The meaning is, whatever you have felt to be there, or the lack thereof :)

Sa mga magigiting na anino ng gabi



Mga inspirasyon,
Nakatutlig ang mga taghoy na umaalingawngaw mula pa sa pusod ng gubat
Subalit mukhang iilan pa rin lang ang nagakaririnig,
Huwag nawa kayo’ng panghinaan ng loob.
Bagkus ay sibulan pa ng panibagong pag-asa
Pagka’t tiyak na ‘di magllalao’t ang mga anasa’t paghikbi’y magiipon-ipon
At tila tunog ng trumpeting papailanlang sa papawirin,
Maririnig saanmang sulok,
Uulit-ulitin ng gabi,
At ibubulong ng hangin sa mga nahihimbing pang mga damdamin.

Marami kaming kaisa ninyo.
Hindi man kasing tapang sa pag-akap ng armas sa ngalan ng kalayaan at prinsipyo,
Sa mga munti naman naming paraa’y nakikipaglaban din
Upang kahit papaano’y maibsan
Ang bigat ng dalahing matagal nyo nang ikinasusubasob.

Kapatid, kapwa, kasama…
Tanggapin nawa ninyo ang aming pagpupugay
At panalangin
Na siya lamang naming maipagkakaloob.
Pakatandaang tulad ninyo,
Marami rin ang naghihintay at umaasa
Na sa pinakamadaling panahon
Ay muling sisikat ang tunay na ginintuang umaga.



29th September 1999
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...