These are but vain attempts to express, by one who wears her heart on her sleeve. Words, much like love, can be ever elusive... ever frustrating... like trying to paint a million stories on a single canvass. If you will read, please do not ask. Just feel. Or at least try to. The meaning is, whatever you have felt to be there, or the lack thereof :)

Ang Awit.



Minsa’y may narinig akong isang himig
Na sa wari ko baga’y mula sa isang diwata
Isang himig na simple lamang ang melodiya
Subali’t sa puso ko’y hatid ay ano’ng sigla

Hinintay kong muli na ang tinig ay marinig
Subali’t ako’y bigo sa pag-asam na nawa’y maulit
Kaipala’y wala na ang may-ari ng tinig -
Ang sinta ng puso ko, at ang laging bukambibig

Ngayon sa tuwina, ako’y nalulumbay
Tuwing naaalala ang panahong nangagdaan
Inaasam ang awit na noon ay siyang buhay
Hanggang kalian kaya ako maghihintay?


 September 1997

Baliw.



Mapalad ka kaibigan
Ikaw na marusing at nagsasayaw sa lansangan
Bumabanggit ng mga pangungusap na walang katuturan
Ginagawang tampulan ng tuksuha’t katatawanana.

Mapalad ka pagka’t ika’y wala nang kawawaan
Sa bagsik nitong mundong sadyang puno ng kalupitan
Ang ingay at karahasa’y di mo na nalalaman
Ang sakit at hirap, nawaglit na sa iyong isipan.

May laya kang gawin ang bawat magustuhan
Di tulad kong bilanggo dini sa karimlan
Lahat ng naisin ko’y kinakailangang may batayan
Kaligayahan ng puso’y di mabigyang kaganapan.

Hanggang kalian magtitiis ?
Hanggang kalian magdurusa ?
Hanggang kalian maiinggit sa tulad mong isang aba ?
Hanggang kalian ko titikisin ang iyak ng kaluluwa ?
Hanggang ba sa ako’y tuluyan nang malagutan ng hininga ?

 September 1997
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...